Powered By Blogger

PictoReal



ok, ayokong magpose.. haha.. ako yan, kasama ang sungay sa cave room.kuha ni nikki go

Napuna ang Puno



Napagtripan ko lang kuhanan ang puno sa Citation Homes. In-adobe ng kaunti. Wah. for short, experimental. haha

taPOS.PORO



camera: Sony Slim
lens: F/3.2; f = 7.5mm
taken: April 25, 2009

Match sticks dropped from being built by bubblegum on a team game held at our Youth Day. This was actually stolen with no intention for photographic effect. Taken without flash on a fast shoot. I was actually amazed by how i got to take this.

Behind Indienera

Isa akong indienera. Mulat sa katotohanan ng lipunan. Prangka sa pagpapakita at pagpapadama. Buo ang paniniwala. May pagmamahal at pagpapahalaga sa likhang sarili. Maraming katanungan ngunit isa-isang hinihimay ang mga kasagutan. Transparent sa kasadlakan ng buhay at kahinaan ng bawat indibidwal. Hinubog ng panahon at magpasahanggang ngayon, patuloy na humahamon.

Ang "Indienera" ay isang parody ng salitang balbal na "indianera". Wala naman sila talagang kinalaman, kaya nga parody lang eh.

Ang salitang "INDIEnera" ay maaaring magbigay ideya para sa isang bagong bokabularyo - isang taong may hilig sa panonood o pagtangkilik sa mga independent films o indie films. Hindi ko alam kung may salitang "indienera" na ba sa makabagong diksyunaryo ng modernong Filipino ngayon. Ang alam ko lang, pakulo ko ito.

Gusto ko ang indie dahil sinasalamin nito ang buhay. May korupsyon, eksploytasyon, krimen, sakit, pag-ibig, pananampalataya, sekswalidad, pagkakaibigan, kaguluhan, sikreto, kapalaran, kamatayan, droga, kasalanan, pag-asa, kalayaan, at iba pang mukha at pati na rin maskara ng buhay. Lahat ng ito ay masasaksihan din naman sa pinilakang tabing pero iba ang indie.

Kalidad, dignidad at konteksto ang tatlong bagay na pinakahinahangaan ko sa mga indie films. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit sa pinilakang tabing, kailangan pa talaga ni Dr. Jose Rizal (sa pelikulang "Rizal") na magsuot ng relo subalit wala pang naimbentong Rolex noong kapanahunan niya. Nakakatawa. Isa pa ay ang pag-establish ng isang karakter na paralisado ang kanang paa subalit sa kalagitnaan o bandang dulo ng storya ay sa kaliwa na siya nakahawak ng saklay. Nakakatawa ulit. Iba kasi ang nakakatawa sa nakakatuwa. Hindi ba? Mayroon pang mga hindi marurunong pumili ng artista para sa isang karakter. Nakakaawa.

Hindi man ito patas pero yun ang katotohanan sa mundo.

May mga bagay na hindi madaling ipakita, hindi madaling ikwento, at hindi madaling isabuhay, pero may natatanging hangarin na nagbibigay halaga sa isang likhang sining. Kaya ganoon na lang katotoo ang indie dahil ginawa ito hindi para sa pera kundi para sa kaluluwa.



Ako. Isang indienera.